May 27, 2005
-------------------
I didn't get enough sleep. Ang sakit ng hips and puson ko. Di ko naman magising si Marlon kasi ang naisip ko normal lang yung nararamdaman ko. Besides, June 12 pa ang due date ko so di nag-cross sa mind ko na baka labor pains na yung nararamdaman ko. I just tried to make myself comfortable para makatulog na ako.
Finally, nakatulog din ako around 4am.
May 28, 2005
-------------------
Ginising ako ni Marlon around mid-morning. Tinanong nya ako kung gusto kong pumunta sa ob-gyne ko. Nabanggit nya kasi sa parents ko na di ako nakatulog the previous night. Naisip ng dad ko na baka nga daw labor pains na yung naramdaman ko.
So, even if di pa scheduled visit ko sa ob-gyne ko, pumunta kami that afternoon. In-ultrasound ako and IE. It turns out, dilated na ako by 1cm. Labor pains na pala yung naramdaman ko. Tapos, based sa ultrasound, nakaharang pa rin partially yung placenta ko sa cervix (placenta previa). My ob-gyne then scheduled me for a cesarean delivery the following day at 7am.
Excited and nervous kami!
Pag-uwi namin sa bahay, we shared the news to our parents and families. Tapos, inayos na namin yung mga things that we'll be needing sa hospital.
May 29, 2005
-------------------
We woke up at 5:30am... earlier pa yata si Marlon (di nakatulog... hehehe...).
By 6:45am, we're on our way to the hospital. Andon na kami before 7am. We were instructed by my ob-gyne to go straight to the operating room. So diretso naman kami don. When we got there, pinagpalit na nila ako into a hospital gown. Lahat ng things ko (bag, clothes and sandals) pinadala na nila sa mom ko. I was then led to the operating room. Pinahiga na ako and was prepped.
Actually, di ko na matandaan kung ano-ano ang ginawa nila sa akin. Basta I remember having my blood pressure taken, being shaved, being given antibiotics, being asked several questions, being given anaesthesia. Medyo groggy na ako by the time my ob-gyne arrived. Around 8:30am na sya dumating. Pagdating nya, binati pa namin sya ng Happy Birthday (it was my ob-gyne's birthday).
Tapos ang bilis na... half-awake lang ako pero I heard my baby cry after a few minutes. At exactly 8:49am, Caitlin Bernadette was born.
They showed me my baby before taking her to the nursery. After that, nakatulog na talaga ako.
When I woke up, it was almost 3pm... nasa recovery room pa rin ako. I can feel my toes but not my legs... kaya pala di pa nila ako ma-release. Almost 5pm na nila ako dinala sa room ko. Groggy pa ako and medyo naduduling-duling pa but aware enough to see na ang dami ko agad bisita! Actually, bisita pala ni Caitlin... hehehehe!
Post-script
-------------------
We really are very thankful for our little angel. During my operation, after Caitlin was taken out of my uterus, my ob-gyne saw na meron pala akong severe endometriosis.
As it is, it was already hard for me to conceive because of my pcos. Tapos meron pala akong endometriosis.
With God's grace, we were able to conceive. And now we have our little angel, Caitlin Bernadette, in our lives.
We're really thankful!
0 comments:
Post a Comment