May bagong word na namang alam si Caitlin... ampaya (ampalaya). Meron kasing tanim na ampalaya ang Dad ko. Tinuro nya kay Caitlin at sinabing amplaya ang tawag don. Ayun, inulit-ulit na... "ampaya, ampaya". Hahahaha! Nakakatuwa!
Isa pang ikinagulat ko kagabi... Naringgan kong tinatanong si Caitlin ng Dad ko, "Caitlin, 1 + 1?". Biglang sumagot ang anak ko, "Tu (two)". Nyay! Bigla akong napatayo at napatakbo! Inulit ko kay Caitlin ang tanong, "tu" pa rin ang sagot nya! Ang galing!
Tinanong ko ang Dad ko kung tinuruan nya si Caitlin. Sabi nya, once lang nya sinabi (at pabiro pa dahil di naman nya ine-expect na magreretain kay Caitlin), "Caitlin, 1 + 1 equals 2". Tapos, tinanong nya, "Caitlin, 1 + 1?". Sumagot ng "tu"! Hay kakatuwa! Kahit ilang beses namin tanungin, consistent sya sa sagot :)
Minsan di ko alam kung matutuwa ako o kakabahan sa anak ko. Ang dami na kasing alam for her age. Kadalasan pa, wala namang nagtuturo sa kanya. At kung turuan naman sya, ang bilis nyang ma-absorb ang tinuturo sa kanya. Hay!
Mas dapat yata akong matuwa at magpasalamat! :)
Custom Search
Posted by ceztlavie at 8:04 AM
Tuesday, June 27, 2006
Labels: Caitlin's world
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment