Now that I'm nearing my due date, di maiwasang pag-usapan kung ano ang gusto naming itawag sa amin ni baby. For me and hubby, we want us to be called Mommy and Daddy. Nagpa-practice na nga rin kami... lalo na si Marlon. He calls me 'Baby' kasi. Sabi ko sa kanya, baka ma-confuse ang baby pag tinawag din nya akong 'Baby'... hihihi!!!
Anyway, we asked my parents kung ano gusto nilang itawag sa kanila ng magiging apo nila. Sabi ng dad ko, okay lang daw sa kanya tawagin syang 'Lolo'. Lolo naman daw kasi sya ng baby namin. Ayaw lang nyang tinatawag syang Lolo ng mga pamangkin ko sa pinsan. Di naman daw kasi sya yung 'direct' lolo nung bata. Mom ko, nag-react talaga! No-no daw na tawagin syang 'Lola'! Hahahaha!!! 'Mama' na lang daw ang itawag sa kanya. Hehehehe...
So, it's settled... we'll be called Mommy and Daddy... the grandparents will be called Mama and Papa.
:-)
Custom Search
Mommy/Daddy? Mama/Papa? Lola/Lolo?
Posted by ceztlavie at 8:56 AM
Monday, May 16, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment