A few months back, I won Smart Parenting's SPAmpering from Head to Toe Promo. The prizes were a gift certificate worth P5000 from Foot Options Spa and another gift certificate worth P5000 from Capelli Salon.
I was able to redeem/use the gift certificate from Foot Options Spa without any hassle. Ang galing nga kasi 4 kami na naka-avail don sa services nila using the gift certificate. The services included in the gift certificate were: 2 Mint Facials, 2 Hand&Foot Reflexology, 2 Hair&Scalp Treatments, 1 Tension Tamer, and 1 3-in-1 treatment. Sobrang sulit! I want to go back kasi I really had a relaxing time with them.
Anyway, the gift certificate from Capelli expires Feb 2006. So, naisip kong i-avail na dahil sayang naman kung mag-expire lang. I called the salon and told them that I won SP's August promo. I asked them kung ano ang included don sa Free Makeover na naka-indicate sa gift certificate nila. I was told na I have a choice between (1) Haircut and Hair color treatment, and (2) Haircut and Hair Highlights treatment. Huh? Napaisip ako... kasi knowing salon rates, di aabot ng P5k yung treatments na sinabi sa akin. So I asked magkano each... eto yung breakdown ng prices:
- Haircut (P200) + Hair Color treament (P1350) = P1550
- Haircut (P200) + Highlights (P1200) = P1400
Lugi! Di man lang umabot ng P2k. Then I asked how much ang hair rebonding sa kanila. Sa length daw ng hair ko, around P6k. Tapos nag-ask ako kung meron silang hair relax treatment... P3500 daw. So tinanong ko kung pwede na yon sa gift certificate ko. Hindi daw... yung 2 choices lang daw pwede. Hmmm... Madaya!
I decided to call Smart Parenting's office. I was able to talk with a certain Mitch and explained to her the issue. Nagtaka sya kasi ako pa lang daw ang tumawag sa office nila about it. She said she'll contact Capelli and ask. She got my contact numbers and told me she'll call me back.
After a few minutes, I received Mitch's call. She was able to talk daw with Capelli's owner and was told na miscommunication lang daw. Talaga lang ha? Eh the girl whom I talked with at Capelli told me na yon daw ang instructions ng owner nila... na choice between the 2 treatments lang daw. Hay!
Anyway, Mitch gave me the owner's cell number and was told to contact her directly to set an appointment. I thanked Mitch for her help.
Though, Mitch was able to clear things out with Capelli, I'm still having second thoughts about setting an appointment with them. Sa kakareklamo ko (at halos awayin ko yung kausap ko), baka gantihan ako at sirain ang buhok ko (waaaahhhh)!
Ano sa tingin nyo?
Posted by ceztlavie at 3:16 PM
Monday, February 20, 2006
Posted by ceztlavie at 4:27 PM
Friday, February 17, 2006
marunong na mag-crawl forward si little girl!
nagulat kami kagabi nung bigla syang nag-crawl sa bed... at ang bilis pa ha!
naku! simula na ng kalikutan nya :p
Labels: Caitlin's world
Nahuli ng MMDA
Posted by ceztlavie at 4:39 PM
First time nahuli si hubby ng MMDA yesterday.
Job interview nya at SPL yesterday afternoon. Nasanay kami na sa Buendia lumiliko papunta sa RCBC Plaza. Kaso, nagbilin ang brother ko (who's in Dallas right now) na bilhan ko daw ng flowers ang girlfriend nya na ka-officemate rin namin. So instead of turning at Buendia (from Edsa), we decided to go straight na lang para sa Ayala na lang liliko at para na rin makadaan sa Glorietta to buy the flowers (before going to RCBC).
Ayun, pinara kami ng MMDA... 3 MMDA. Yellow lane violation daw. Ok lang naman... willing kami magpa-ticket... kasi may violation naman talaga kami. Kaso, ang kulit nung nanghuli sa amin. Laging sabi-sabi, "pano sir, ilalagay ko na dito na yellow lane ang violation nyo. ok lang?". Yung tono ng tanong nya, alam mong naghihintay na mag-offer na lang kami ng lagay. Sabi namin, "Sige, yon ang ilagay mo. Yon naman talaga violation namin eh". Tapos, inulit na naman nya yung tanong... tapos paiba-iba na ang statement... nung una, pwede daw naming bayaran sa Metrobank yung penalty/fine. Tapos nabago... sa MMDA office lang daw namin pwede bayaran. Basta ang gulo nila. Obvious na obvious na dine-delay nila ang pagbigay sa amin ng ticket at gusto talaga ng lagay. Eh itong si hubby, ayaw na ma-hassle na magleave pa uli from work para lang bayaran yung fine and syempre, ayaw din nyang ma-late sa interview nya. So ayun, ang ending, naglagay din kami... equivalent don sa amount na sinabi nilang penalty namin.
Hay, ang mga tao nga naman. Alam ko mali ang ginawa namin... pero nakakainis na rin kasi. Kung di lang kami nagmamadali, magmamatigas kami na ibigay sa amin ang ticket. Oh well... charge to experience na lang.
Mama Sit... Tapon Ikaw???
Posted by ceztlavie at 4:28 PM
Nag-anak sa kumpil ang Dad ko last Sunday... nagpa-confirm kasi yung cousin ko na ikakasal this coming April.
Anyway, after nung kumpil, dumiretso sila sa house ni cousin para maglunch. Andon si Kyle, anak ng kuya nya... at eto ang naging conversation nila ng Dad ko...
Kyle: Papa Maning (my dad), asan Mama Sit (my mom)?
Papa Maning: Wala... tinapon ko na!
Kyle: Tapon mo Mama Sit? (nagwo-wonder)
Then, yesterday morning, tumawag ang Tita Nori ko (lola ni Kyle) sa mom ko. Tapos pinakausap si Kyle sa phone. Eto naman ang naging conversation nila...
Mama Sit: Hello Kyle
Kyle: Hello Mama Sit... Mama Sit, tapon ikaw?
Hahaha!!! Natandaan nya ang sinabi ni Papa Maning! :D
Ang Earrings... At Ang Bukol...
Posted by ceztlavie at 9:27 AM
Monday, February 06, 2006
Last Saturday, appointment ni Caitlin sa pedia nya... Schedule ng measles vaccine nya.
Anyway, everytime pupunta kami sa pedia, tinatanong ko kung kelan sya pwedeng hikawan. Naiinis na kasi ako don sa mga tao na kahit naka-"all pink" na si little girl, eh tinatawag pa ring baby boy! So, tinanong ko uli si pedia...
Yehey! Pwede na hikawan si little girl. So ayun, pinahikawan namin agad!
Nakakaawa... grabe ang iyak nya! Nakakatawa pa ang hirit ni pedia... sabi ba naman kay Caitlin... "Ganyan talaga pag gustong magpaganda... masakit!" Hahahaha!!! Si doctora, nagpapatawa... hehehehe...
Mukha na talagang girl ngayon si Caitlin...
Kaya kung sino man ang hihirit na little boy sya... uupakan ko na talaga! Hahahaha!!!
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Kahapon... ang araw ng unang bukol ni Caitlin :(
Nauntog sa kanto ng pintuan ng cr namin... kawawa naman. Pero ang brave ng little girl... hindi umiyak.
Buti na lang nalagyan agad namin ng yelo... ngayon, pantay na uli ang forehead nya :) mukhang hindi nabukulan :)
Labels: Caitlin's world
Ang high chair
Posted by ceztlavie at 9:18 AM
Binilhan namin si Caitlin ng high chair last Monday (Jan 30th). Akala ko, madali lang bumili non... mahirap pala... para kasing pare-pareho lang itsura nila... tapos ang mamahal pa. Then, nakita namin itong high chair na ito... pinaka-practical sa lahat ng nakita namin... magagamit ni little girl kahit until mag-4 yrs old sya.
It's a highchair...
... that becomes a table and a chair
Ang galing! :)
Labels: Caitlin's world