First time nahuli si hubby ng MMDA yesterday.
Job interview nya at SPL yesterday afternoon. Nasanay kami na sa Buendia lumiliko papunta sa RCBC Plaza. Kaso, nagbilin ang brother ko (who's in Dallas right now) na bilhan ko daw ng flowers ang girlfriend nya na ka-officemate rin namin. So instead of turning at Buendia (from Edsa), we decided to go straight na lang para sa Ayala na lang liliko at para na rin makadaan sa Glorietta to buy the flowers (before going to RCBC).
Ayun, pinara kami ng MMDA... 3 MMDA. Yellow lane violation daw. Ok lang naman... willing kami magpa-ticket... kasi may violation naman talaga kami. Kaso, ang kulit nung nanghuli sa amin. Laging sabi-sabi, "pano sir, ilalagay ko na dito na yellow lane ang violation nyo. ok lang?". Yung tono ng tanong nya, alam mong naghihintay na mag-offer na lang kami ng lagay. Sabi namin, "Sige, yon ang ilagay mo. Yon naman talaga violation namin eh". Tapos, inulit na naman nya yung tanong... tapos paiba-iba na ang statement... nung una, pwede daw naming bayaran sa Metrobank yung penalty/fine. Tapos nabago... sa MMDA office lang daw namin pwede bayaran. Basta ang gulo nila. Obvious na obvious na dine-delay nila ang pagbigay sa amin ng ticket at gusto talaga ng lagay. Eh itong si hubby, ayaw na ma-hassle na magleave pa uli from work para lang bayaran yung fine and syempre, ayaw din nyang ma-late sa interview nya. So ayun, ang ending, naglagay din kami... equivalent don sa amount na sinabi nilang penalty namin.
Hay, ang mga tao nga naman. Alam ko mali ang ginawa namin... pero nakakainis na rin kasi. Kung di lang kami nagmamadali, magmamatigas kami na ibigay sa amin ang ticket. Oh well... charge to experience na lang.
Custom Search
Nahuli ng MMDA
Posted by ceztlavie at 4:39 PM
Tuesday, February 14, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
naku, ganyang-ganyan din ang ginawa sakin ng MMDA sa Ortigas. paulit-ulit ang tanong, delaying tactic talaga para maglagay ako.
hanggang sa sinabi ko, eh 100 lang po barya ko eh, ok na ba 'to? bwahahah... ok na daw! ayos 100 lang, pwede na! :p
happy valentine's day!
di ba bente bente lang ang lagay? bakit 100 kay cynch? eniwey...
lagot ka cez, sumbong ko si marlon sa dilg, naglalagay! hehehe. ano? sumbong ko na, ok lang? malaki laki rin ang babayaran niyo sa abugado at sa multa. ano sumbong ko na? malalagyan pa ng record si marlon. ano sumbong na talaga? mabait naman ako, pwedeng pag-usapan yan. :P
hay naku, nahuli na rin kmi dyan dati. yellow lane din. e dahil sa super hectic noon sa wed preps (2wks before the wedding ba naman),iniyakan ko si mamang pulis! at si arnel na ayaw na ayaw rin naglalagay, ayun wlang nagawa kundi maglagay dahil ang mamang pulis ay naawa kuno sa kin.. bigyan na lang daw sya kahit magkano... sheesh! buti na lang wla kmi pera nun :D
Post a Comment