DaisypathAnniversary Years Ticker
Custom Search

Posted by ceztlavie at 3:58 PM

Monday, March 20, 2006

Ang dami nang alam ni Caitlin. Alam na nya ang light, shadow, moon, electric fan, butterfly, flower, si piglet, at kung ano-ano pa.

A week ago (Mar 11th), naglalaro kaming 2 sa room. Yung bedsheet and pillowcases namin ngayon eh printed na may butterfiles, beetles, bees and flowers.

Me: Caitlin, where's the butterfly? Show mommy the butterfly.
Caitlin: (crawls to one of the pillows and points at a butterfly)

Ang galing! Inisip ko kung naka-chamba lang sya so pinaulit ko kaharap ang daddy nya. Ganon din! Tapos, pinaulit namin kaharap ang Mama Sit nya... nagawa nya uli! Nakakatuwa!

The other night naman (Mar 18th), tinuruan ko si little girl kung alin yung beetle don sa bedsheet namin. After ko ulit-ulitin sa kanya, tinanong ko...

Me: Caitlin, where's the beetle?
Caitlin: (points at the picture of a beetle)

Tuwang-tuwa ako! Pwede nang turuan ang baby ko :)

Marunong na rin pala sya mag-sing. Everytime tutugtog yung toy nya na musical flower, sasabayan nya... "la la la la la..." Actually, kahit hindi yung toy nya... basta may music syang marinig, sasabayan nya ng "lalalalala".

Pag naman kinantahan mo sya ng "I have two hands", mag-a-act na sya. Sasabayan nya yung song. Pero lately, favorite nya yung "Ten Little Indians". Basta marinig na nya yung song, titigil sya sa kung ano man ang ginagawa nya tapos ikukumpas nya ang arms nya. Parang nagsasayaw :)

Marunong na rin sya manood ng TV. Kung gusto naming tumahimik lang sya, ipe-play na namin yung VCD (nursery rhymes/songs) nya. Attentive na attentive manood. Magagalit pa sya pag tumigil... hee hee hee!

May bagong bisyo na nga rin pala ngayon ang aming little girl. Ang hilig nya manghalik. Hindi nga yata halik yon eh... mas parang nangangagat sya. Palagi pang sa cheeks. Nung una, nakakakiliti lang. Ngayon, masakit na! Tapos, di na rin sya kuntento sa cheeks. Kahit legs at tummy ko, pinanggigigilan nya! Nagngi-ngipin na yata sya eh.

Posted by ceztlavie at 3:45 PM

Monday, March 06, 2006

Question: "Eh Mommy, nagsasabi naman ho si baby pag naiihi sya?" (Note: Baby referred to is only 9 months old... si Caitlin)

Answers:

  • "9 months sya... sa tingin mo, magsasabi na sya sa akin?"
  • "sige, tanungin mo sya... hintayin mong sumagot"
  • "sige, tanungin mo. pag napasagot mo sya, bibilib ako"
  • "hindi pa kasi ang kaya lang nya sabihin eh, SUPERCALIFRAGILISTICEXPIALIDOCIOUS" - from Cata
Add pa kayo! Hehehehe!!!

Caitlin's confinement (part 2)

Posted by ceztlavie at 3:24 PM

March 3
======
We took turns looking after Caitlin during the night. Pero syempre, kahit na shifting kami, di pa rin naman kami makatulog ng maayos. Paano ka ba naman magiging comfortable sa hospital, di ba? Besides, twice kinunan ng blood sample si little girl. Actually, once lang dapat. Kaso, yung 1st, kulang daw yung nakuha. So bumalik sila to get more. Waah! Kung pwede lang na ako na lang ang kunan nila ng dugo eh :(

Early that morning, napansin ko na watery ang poop ni Caitlin. Dinala namin agad yung soiled diaper nya sa nurse's station and requested to have it tested. Naisip ko kasi, baka naman na-trigger uli yung amoebiasis nya.

It normally takes just an hour to get the results of a fecalysis. But for some reason, hapon na, wala pa rin yung result. We gave the stool sample at 7am that morning. Kung hindi pa namin tanungin sa nurse, di pa ifo-follow up. Hay!

When we finally got the result, clear naman daw. Negative lahat ng results.

During the entire day, 9 times yata nag-poop si little girl. Every time na may dadating na nurse or doctor on duty (and yung pedia nya), sinasabi naman namin lahat ng nangyayari. Kaya nagtataka kami kung bakit di pa binibigyan ng gamot si Caitlin. Sumugod na kami ng mom ko sa nurse's station to ask.

Me: Naka-9 times na magpoop ang baby ko. Di nyo pa ba bibigyan ng gamot?
Nurse: Ay sige po, Mommy, tatanong namin sa pedia on duty.

Grrrr!!! Kung di pa kami magtanong, di nila itatanong sa pedia. Kainis! (Anyway, wala ring binigay na gamot kay Caitlin kasi negative naman daw yung result ng fecalysis)

That morning pala, while an attendant was changing the sheets, napansin namin na basa yung sheets and pillows ni Caitlin. Pagtingin namin, nagli-leak pala yung IV nya. We called the nurse and tinanggal yung IV. Nakulubot na yung skin ni Caitlin sa hand dahil sobrang soaked na pala :( The nurse told us na ipapahinga lang daw muna yung hand ni little girl then kailangan syang kabitan uli ng IV.

Marlon and I went home while my parents looked after Caitlin. We got some things na rin. While we were out, kinabit na uli yung IV ni little girl. Di ko alam kung magiging thankful ako o hindi na wala ako to witness it. Nanghihina talaga ako everytime makita kong turukan sya :(

March 4
======
Humihingi rin pala ng urine sample yung nurses/doctor from Caitlin. Nahihirapan lang kami to get some kasi lagi nga nagpoo-poop si little girl. Naso-soil lagi yung urine collector (parang bag na dinidikit sa baby para mag-catch nung wiwi).

Merong isang engot (sorry for the term) na nurse. Di ko alam kung maiinis ako o matatawa sa kanya. Kailangan nga kasi ng urine sample ni Caitlin. Kaso, di pa namin mabigay. Nung pumasok yung nurse, may kasama syang group... students yata...

Nurse: Mommy, nagsasabi ba naman ho sa inyo si baby pag na-iihi sya?
Me: 9 months sya... Sa tingin mo, magsasabi na sya sa akin?
Nurse: (natahimik)

Naku! Pigil na pigil pa yung pagsagot ko nyan! Gusto ko syang tuktukan! Kaya nga nakalagay sa chart ang age ng patient di ba?!



Later that day, natanggal na naman ang IV ni Caitlin. Awang-awa na talaga ako kasi nagmamaga na yung hand nya. Mukhang di maayos yung pagkakakabit don sa IV the previous day. So we told the nurse to ask the pedia kung pwedeng wag nang lagyan ng IV si little girl.

Buti na lang, pumayag ang pedia. As long as ok na daw ang poop and malakas naman ang intake ng milk, ok lang daw na wag na ibalik yung IV. Buti naman! The pedia also told us na pag di na nilagnat si Caitlin within 24 hours, pwede na kami ma-discharge the following day. Yahoo!!!

March 5
======
Hindi na nilagnat si Caitlin! Madi-discharge na kami! Woohoo!

Ang kaso lang, ang tagal dumating ng pedia. Sunday kasi. Eh di kami pwedeng palabasin ng hospital until walang go signal ni dra. Dumating si pedia, around 3:30pm. Kaya ayun, around 4pm na kami na-discharge. Pero ok lang. Basta makakauwi na si little girl.

Paglabas pa lang ng hospital, tuwang-tuwa na si Caitlin... sigaw ng sigaw at pakumpas-kumpas pa ng kamay. Magaling na nga sya :)

Caitlin's confinement (part 1)

Posted by ceztlavie at 1:28 PM

March 2
======
We got home from work at around 7:30pm. As usual, excited si little girl to see us! I took her from her Papa Maning and then went inside our room. Nagbibihis si hubby while I looked after Caitlin, when all of a sudden, bigla syang nagsuka. Super dami! We thought nasobrahan lang sya ng inom ng milk nya so di namin masyado pinansin. We just cleaned her up then changed her clothes.

After a few minutes, nagsuka uli. We started to worry. I immediately called my mom and dad and told them that Caitlin was vomitting. Takbo agad sa room namin ang parents ko. That's when they told me na nauntog daw si Caitlin earlier that day (around 10am). She was playing daw when she fell on her back (na-off balance daw kasi). Nahawakan naman ng dad ko but she still bumped her head on the hard floor. They observed her throughout the day pero mukhang ok naman daw si Caitlin. She was her usual self - malikot, maingay at makulit. Then, around 4pm daw, while they were feeding her, she vomitted. Naisip nila baka ayaw lang nung food na kinakain nya. After that, ok na uli si Caitlin... until we got home.

We then decided to rush her to the hospital.

We went straight to the emergency room. That was around 8:30pm. I was asked by an attendant what happened. So we narrated what happened. We were asked to wait for the surgeon on duty. When the surgeon arrived, tinanong uli kami kung anong nangyari. Kinuwento uli namin. He told us that he will refer us to the pedia on duty kasi di nya masabi conclusively na dahil sa pagkaka-untog ni Caitlin yung pagsusuka nya. So we waited again. All this time, continuous pa rin ang pagsusuka ni little girl. Sobrang worried na talaga ako! Asan na ba yang pedia na yan!?!?!?!?!?!

Finally, after around 30 minutes of waiting, dumating na ang pedia (take note: ang bagal-bagal pa nya maglakad). We were asked (again) what happened. So kwento na naman kami. Ang gulo ng pedia... parang di sya nakikinig, parang di nya naiintindihan yung kinukwento namin. Kung ano-ano ang sinasabi at tinatanong - paulit-ulit. Hay!


Anyway, ang ending, tinanong ako kung okay lang daw ba sa akin na i-confine si Caitlin para ma-observe. Syempre, we said 'yes'. Ayaw naman namin iuwi si Caitlin only to rush her again to the hospital in the middle of the night. And we felt better knowing na nasa hospital na kami in case meron pang ibang mangyari kay Caitlin.

The attendant prepared the IV na ikakabit kay Caitlin. During this time, umuwi na muna ang parents ko to get some things - ours and Caitlin's.


Halos ayaw kong tingnan nung tinuturukan na si little girl. Nakakaawa eh. Sinubukan namin syang libangin para di sya masyadong umiyak.

Me: Caitlin, be brave ha. Wag na iyak. Play tayo with Pooh after ha.
Caitlin: (still cries... sobrang lakas!)
Attendant: (to Caitlin) O, play daw kayo ng Pooh after. Wag ka na umiyak. (to me) Mommy, favorite pala nya si Pooh?
Me: Ay hindi, si Piglet! (Hahahaha!!! Engot talaga ako!!!)

The attendant first tried putting the IV sa left hand ni Caitlin. Ang kaso, pumutok yung vein. Ganon daw talaga pag dehydrated na ang bata... madaling pumutok. So, he tried sa right hand. Buti naman, naturok niya agad with no problems. After that, hinatid na kami sa room. It was almost 10pm already.


Pagdating sa room, don lang namin na-realize na di pa pala kami nagdi-dinner. Buti na lang, may dalang food ang parents ko when they went back to the hospital. Buti na lang din pinapasok pa sila ng guard... tapos na kasi ang visiting hours.

Posted by ceztlavie at 1:28 PM

Wednesday, March 01, 2006

We celebrated Caitlin's 9th month birthday last night (since walang 29th ang February).


Lilypie 4th Birthday PicLilypie 4th Birthday Ticker

Lilypie 2nd Birthday PicLilypie 2nd Birthday Ticker