DaisypathAnniversary Years Ticker
Custom Search

Caitlin's confinement (part 2)

Posted by ceztlavie at 3:24 PM

Monday, March 06, 2006

March 3
======
We took turns looking after Caitlin during the night. Pero syempre, kahit na shifting kami, di pa rin naman kami makatulog ng maayos. Paano ka ba naman magiging comfortable sa hospital, di ba? Besides, twice kinunan ng blood sample si little girl. Actually, once lang dapat. Kaso, yung 1st, kulang daw yung nakuha. So bumalik sila to get more. Waah! Kung pwede lang na ako na lang ang kunan nila ng dugo eh :(

Early that morning, napansin ko na watery ang poop ni Caitlin. Dinala namin agad yung soiled diaper nya sa nurse's station and requested to have it tested. Naisip ko kasi, baka naman na-trigger uli yung amoebiasis nya.

It normally takes just an hour to get the results of a fecalysis. But for some reason, hapon na, wala pa rin yung result. We gave the stool sample at 7am that morning. Kung hindi pa namin tanungin sa nurse, di pa ifo-follow up. Hay!

When we finally got the result, clear naman daw. Negative lahat ng results.

During the entire day, 9 times yata nag-poop si little girl. Every time na may dadating na nurse or doctor on duty (and yung pedia nya), sinasabi naman namin lahat ng nangyayari. Kaya nagtataka kami kung bakit di pa binibigyan ng gamot si Caitlin. Sumugod na kami ng mom ko sa nurse's station to ask.

Me: Naka-9 times na magpoop ang baby ko. Di nyo pa ba bibigyan ng gamot?
Nurse: Ay sige po, Mommy, tatanong namin sa pedia on duty.

Grrrr!!! Kung di pa kami magtanong, di nila itatanong sa pedia. Kainis! (Anyway, wala ring binigay na gamot kay Caitlin kasi negative naman daw yung result ng fecalysis)

That morning pala, while an attendant was changing the sheets, napansin namin na basa yung sheets and pillows ni Caitlin. Pagtingin namin, nagli-leak pala yung IV nya. We called the nurse and tinanggal yung IV. Nakulubot na yung skin ni Caitlin sa hand dahil sobrang soaked na pala :( The nurse told us na ipapahinga lang daw muna yung hand ni little girl then kailangan syang kabitan uli ng IV.

Marlon and I went home while my parents looked after Caitlin. We got some things na rin. While we were out, kinabit na uli yung IV ni little girl. Di ko alam kung magiging thankful ako o hindi na wala ako to witness it. Nanghihina talaga ako everytime makita kong turukan sya :(

March 4
======
Humihingi rin pala ng urine sample yung nurses/doctor from Caitlin. Nahihirapan lang kami to get some kasi lagi nga nagpoo-poop si little girl. Naso-soil lagi yung urine collector (parang bag na dinidikit sa baby para mag-catch nung wiwi).

Merong isang engot (sorry for the term) na nurse. Di ko alam kung maiinis ako o matatawa sa kanya. Kailangan nga kasi ng urine sample ni Caitlin. Kaso, di pa namin mabigay. Nung pumasok yung nurse, may kasama syang group... students yata...

Nurse: Mommy, nagsasabi ba naman ho sa inyo si baby pag na-iihi sya?
Me: 9 months sya... Sa tingin mo, magsasabi na sya sa akin?
Nurse: (natahimik)

Naku! Pigil na pigil pa yung pagsagot ko nyan! Gusto ko syang tuktukan! Kaya nga nakalagay sa chart ang age ng patient di ba?!



Later that day, natanggal na naman ang IV ni Caitlin. Awang-awa na talaga ako kasi nagmamaga na yung hand nya. Mukhang di maayos yung pagkakakabit don sa IV the previous day. So we told the nurse to ask the pedia kung pwedeng wag nang lagyan ng IV si little girl.

Buti na lang, pumayag ang pedia. As long as ok na daw ang poop and malakas naman ang intake ng milk, ok lang daw na wag na ibalik yung IV. Buti naman! The pedia also told us na pag di na nilagnat si Caitlin within 24 hours, pwede na kami ma-discharge the following day. Yahoo!!!

March 5
======
Hindi na nilagnat si Caitlin! Madi-discharge na kami! Woohoo!

Ang kaso lang, ang tagal dumating ng pedia. Sunday kasi. Eh di kami pwedeng palabasin ng hospital until walang go signal ni dra. Dumating si pedia, around 3:30pm. Kaya ayun, around 4pm na kami na-discharge. Pero ok lang. Basta makakauwi na si little girl.

Paglabas pa lang ng hospital, tuwang-tuwa na si Caitlin... sigaw ng sigaw at pakumpas-kumpas pa ng kamay. Magaling na nga sya :)

0 comments:

Lilypie 4th Birthday PicLilypie 4th Birthday Ticker

Lilypie 2nd Birthday PicLilypie 2nd Birthday Ticker