DaisypathAnniversary Years Ticker
Custom Search

Posted by ceztlavie at 10:38 AM

Monday, February 12, 2007

Caitlin Anecdote #1

A couple of weeks ago, dumaan si Ate J (a cousin) sa house namin. Nung paalis na sya, hinatid sya ng mom ko sa gate. Naiwan si Caitlin and ang dad ko sa loob ng bahay.

For some reason, natagalan ang mom ko sa labas (read: nakipag-usap pa sa kapitbahay).

Habang nasa labas ang mom ko, tanong ng tanong si Caitlin, "San Mama Sit? San Mama Sit?". After some time, nalimutan na nya yata ang mom ko at tumigil na sya sa pagtatanong.

Finally, pumasok na uli sa bahay ang mom ko. Si Caitlin, biglang tumigil maglaro. Humarap sa mom ko, nakapamewang, sabay sabi ng "San ka galing?!"

Hahahaha!!!

~*~*~*~
Caitlin Anecdote #2

Scene: Mama Sit on the phone; Caitlin (playing), Papa Maning and myself in the living room

Mama Sit (to Papa Maning): Ano nga pala uli yung brand ng payong ni Joseph?
Papa Maning: "Umbra" yata
Mama Sit (to Papa Maning): Hindi, hindi "Umbra".
Papa Maning (jokingly): Eh di, "Umbrella"!
Mama Sit (to Papa Maning): Ano? ano?
Caitlin (to Mama Sit): Umbrella daw!!!

~*~*~*~
Caitlin Anecdote #3

Last week, dumaan si Tita L sa bahay para humiram ng dvds.

Habang inaayos ng mom ko yung dvds na hinihiram, pinapanood sya ni Caitlin. Tinitingnan ang bawat dvd na nilalagay ng mom ko sa supot.

Nung inabot na ng mom ko yung bag ng dvds kay Tita L, lumapit si Caitlin sa kanya... sabay tanong ng, "Ano yan?!".

Hahaha!!! Concerned yata si Caitlin na baka naisama sa pinahiram yung Hi-5, Elmo's World, at The Backyardigans dvds nya!


~*~*~*~

Caitlin Anecdote #4



Naglalaro si Caitlin ng dollhouse nya. Yung dollhouse nya, may kasama na dolls - Mommy, Daddy, and baby. Yung Daddy, naka-green na shirt.




*image from Fisher Price.


Nagkataon, that day, green na shirt din ang suot ni Marlon.


Caitlin (giving the Daddy doll to Marlon): Peho, peho (pareho, pareho)
Marlon: Very good!
Me: Sige, give mo kay Daddy lahat ng color green (na furniture).


Eh di binigay naman ni Caitlin lahat ng color green na furniture kay daddy nya. Ang galing!


Me: Wow, very good! So, anong color yan (expecting that Caitlin will say "green")
Caitlin: PINK!
Caitlin: (sabay tawa) GREEN!


Nyahahaha!!! Marunong na sya mang-asar!

3 comments:

Liza said...

cez, okay ang antics ni caitlin ah! di ko kinaya yun tinanong ang lola nya kung saan galing?! hahaha! may imbestigador ka na this early. hihihi!

jen said...

the best! tawa ako ng tawa dun sa pink and green. magaling na bata! :)

ceztlavie said...

liza,
sabi nga namin, walang nakakasita sa mom ko kundi si caitlin lang. grabe! akala mo matanda kung makipag-usap. hahaha!

jen,
hay naku! tawa din ako ng tawa sa pink and green na yan. marunong na talaga manloko!

Lilypie 4th Birthday PicLilypie 4th Birthday Ticker

Lilypie 2nd Birthday PicLilypie 2nd Birthday Ticker