Una sa lahat, nais kong humingi ng paumanhin para sa mga linggong ako ay hindi nakalahok sa LP. Naging sadyang 'busy' lamang ako nung mga huling buwan ng nakaraang taon. At dahil bagong taon na, pipilitin kong makalahok sa LP linggo-linggo.
Ito ang aking lahok sa para sa linggong ito -- litrato ng aming bunso kasama ang "Ferrari Hotwheels Collection" ng aking asawa.
Hindi pa naman ganon karami ang mga munting sasakyan na ito. Pero unti-unting nadadagdagan tuwing kami ay mapapadaan sa tindahan ng mga laruan. Di magtatagal, kakailanganin na naming bumili ng cabinet para lamang sa koleksyong ito ng aking asawa.
Bisitahin ang iba pang mga lahok dito.
Maligayang LP sa lahat! :)
Custom Search
LP: Pula (Red)
Posted by ceztlavie at 8:31 AM
Thursday, January 08, 2009
Labels: Litratong Pinoy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
akala ko cez getting ready na for the birthday party :D pang give away. hehehehe!!!
nakakatuwa naman ang collection ng asawa mo talagang hindi nabubuksan. ang aking anak ay may collection din pero binuksan nya at pinaglalaruan. pinakakaingat-ingatan naman at may mga sarili pang lalagyan :-)
meldita, party planning mode na ako pero di pa ako nakakaisip ng give-aways. aawayin ako ng asawa ko pag pinamigay ko yang mga yan! hahaha! :D
iska, ayaw buksan ng asawa ko ang koleksyon nya. kung gusto daw ni bunso paglaruan, ibibili na lang nya ng kanya :D
wow pahingi ako ng isa :)
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
Happy New Year, Cez!
Naku nakaka relate ako! Trains naman ang koleksyon ng asawa ko at hindi ko pwede hipuin *lol* kundi aawayin ako nun. May friend din kami na matchbox brand naman ang koleksyon at nakakahon din lahat! boys will always be boys ha ha ha!
have a good weekend!
ang cute niya!
magandang araw kaLP!
eto ang aking lahok: http://paulalaflower.blogspot.com/2009/01/lp-01082009-pula.html
Post a Comment