DaisypathAnniversary Years Ticker
Custom Search

UP Naming Mahal...

Posted by ceztlavie at 10:47 AM

Thursday, September 15, 2005

Got this from Meeya. Makikisagot na rin ako.

Ano'ng studeng number mo?
~ 93-02860

Nakapasa ka ba or waitlisted?
~ Yup, first choice ko pa... BSBAA

Paano mo nalaman ang entrance exam result?
~ Classmate ko ang tumingin para sa akin

First choice mo ba ang UP?
~ Nope. Gusto ko sana mag-Ateneo kaso di ko nakuha yung first choice ko don.

Alam mo ba ang UPG score mo?
~ Hindi eh

Ano ang first choice mo na course?
~ BS Business Administration and Accountancy

Second Choice?
~ Di ko na matandaan. BS Business Administration yata.

Ano naging course mo?
~ BS BAA but had to shift to BS BA dahil sa bwisit na buntis kong prof sa accounting!

Nagplano ka bang mag-shift?
~ Hindi. Napilitan lang ako dahil nga sa bwisit na buntis kong prof sa accounting!

Nakapag-dorm ka na ba?
~ Hindi. Ang lapit lang kasi ng house namin sa UP Diliman.

Naka uno ka na ba?
~ Of course! And hindi lang once! (hehehe... yabang ba?)

Nagka-3?
~ Nope.

Highest grade
~ Uno!

Lowest
~ 2.75

Worst experience sa UP
~ Nadukutan ako ng wallet sa loob ng BA canteen. To think, nasa kabilang table lang yung bag ko.
~ Yung elective subject ko na anthro... amoy pipe kami pagkatapos ng class. Ang lakas kasi mag-pipe ni Prof. Bailen. Tapos ayaw nya iwang bukas yung doors ng classroom dahil maingay daw yung mga dumadaan. Ayaw din nyang buksan yung ceiling fan kasi takot syang bumagsak. Ayun, ang baho naming lahat pagkatapos ng class nya! Hahahaha!!!

Lagi ka bang pumapasok sa klase?
~ Depende sa subject. Yung anthro subject ko, wala pa yatang 10 sessions ang pinasukan ko. Bad me!

Ano'ng Org mo?
~ UPJMA

May scholarship ka ba?
~ Wala

Pinangarap mo bang mag-cum laude?
~ Actually hindi. Pero I tried. Sayang nga lang di ako umabot... by 0.01! (1.75 kasi to qualify... 1.76 grade ko)

Kelan ka nagtapos?
~ 1997

Fave Prof(s)
~ Prof. Benjie Sandoval

Worst Teacher(s)
~ Yung bwisit na prof ko sa accounting (di ko na matandaan yung name), Prof Bailen (dahil lang sa pipe nya at boring pala yung class nya... akala ko kasi interesting yung class... sex and culture... kaso, boring ang prof! hahahaha!)

Fave subject(s)
~ Math

Worst subject(s)
~ Economics

Fave landmark
~ Wala eh

Building
~ BA building

Paboritong kainan
~ Yung beach house sa main lib

Noong estudyante ka pa, magkano ba ang binabayad mo sa jeep?
~ P1.25 yata (di ko na matandaan)

Lagi ka ba sa lib?
~ Yup, sa BA lib... dahil aircon... gusto ko lang magpalamig :-P

Nagpunta ka ba sa clinic nung minsang nagkasakit ka?
~ Hindi

May crush ka ba sa campus?
~ Meron pero secret na lang :-P

BF/GF?
~ Wala and by choice ko 'to :-P

May balak ka ba mag-masters o mag-phd?
~ Gusto ko sana

Anu-ano ang mga naging PE mo?
~ Table tennis, Bowling, Social Dance, di ko matandaan yung isa pa

Kamusta naman ang block nyo?
~ Ok lang

Nakapanood ka na ba ng graduation sa UP?
~ Yung graduation ko... hehehe...

Memorize mo ba ang alma mater song?
~ Nung student pa ako. Ngayon, nalimutan ko na.

Member ka ba ng UP Varsity Team?
~ Nope

Naka-perfect ka na ba ng exam?
~ Yup, sa Philo. Open books yung exam eh :-P

Ano'ng ayaw mo sa finals week?
~ Yung exams

Dito ka ba natutong uminom ng beer?
~ Hindi. Ayaw ko lasa ng beer eh. Pero natuto ako uminom ng hard drinks. Hehehe...

Ano'ng gusto mo sa UP?
~ Yung freedom and yung campus mismo.

Ano'ng ayaw mo?
~ Hmmm... teka, isipin ko

Maganda ba ID pic mo?
~ Ewan ko. Pero alam ko maganda ako! (walang kokontra! hahahaha!)


May ginawa ka na bang illegal sa loob ng campus?
~ Sa pagkakaalam ko, wala

Kung isa ka sa mga nag-aral sa UP, sagot na rin! :)

0 comments:

Lilypie 4th Birthday PicLilypie 4th Birthday Ticker

Lilypie 2nd Birthday PicLilypie 2nd Birthday Ticker