DaisypathAnniversary Years Ticker
Custom Search

December 2005

Posted by ceztlavie at 2:33 PM

Monday, January 02, 2006

A rundown of what was December 2005...

December 2 - Another day of pasyal at Gateway mall



December 3 - We attended Coley's 1st birthday party at Barrio Fiesta in Greenhills. It was a costume party with a theme of "Flower Fairies". Wala kaming makitang costume for Caitlin so we just dressed her up with a floral dress. Tapos, Mama Sit made her a wand from a chopstick, white ribbon and metallic paper. Hehehe...



December 4 - Na-inspire yata masyado si Mama Sit at ginawang career ang pag-decorate ng buong bahay with Christmas decors... para daw sa apo nya. Hehehe... Actually, ilang days din nya pinaghirapan ang pag-decorate. Kahapon lang nya natapos. In fairness, maganda ang decors at napuno ng ilaw ang buong bahay. Magkano naman kaya ang magiging bill namin sa kuryente??? Nyahahaha!



December 5 - Nag-leave ako today para dalhin si Caitlin sa pedia. Last shot kasi nung 6-in-1 vaccine/immunization nya. Brave ang little girl. Umiyak lang nung tinurok na yung needle. After that, tumahan na at patawa-tawa na :)

December 11 - Day of the CHATMAS PARTY!!! It was held at McDonald's Fort. It was nice to meet the faces behind the ladies/gents (along with their kids) that I have been chatting with since my wedding prep days. Syempre, there were people who I've become friends with. And meron din namang that day ko lang nakita. It was fun!



December 16 - Marunong na mag-hum si little girl. Kaya na rin nyang umupo mag-isa sa grocery cart.



December 17 - Marunong na rin humawak ng microphone. May balak pa yatang maging "song-er" ang anak ko!



December 20 - Marunong na mag-"twinkle twinkle little star" si little girl! :)

December 21 - Office Christmas Party... also, the day na pinasok kami ng magnanakaw sa bahay... Afternoon nangyari... Umalis lang sandali ang parents ko kasama si Caitlin para mag-grocery. Sandali lang naman sila nawala. Pagdating nila sa bahay, bukas na ang main door. It's a good thing na routine na naming i-lock lahat ng bedrooms before going out. Yung bedroom lang ng parents ko ang napasok. Nawala jewelries ng mom ko. Aside from that, wala na. Although, nakahanda nang tangayin yung ibang appliances namin. Feeling namin, same group lang yung nagnakaw ngayon and yung nagnakaw sa amin dati ni Marlon (nung naka-bukod pa kami). Hay! Malapit na kasi ang Pasko kaya uso na naman ang nakawan.

December 22 - Binigay na nina Papa Maning and Mama Sit ang Christmas gifts (take note: gifts!) sa kaisa-isa nilang apo. At say nyo, pinabuksan na agad... Hahaha!!! Para daw magamit na nya sa Christmas :)




December 23 - Naka-receive na naman ng Christmas gift si little girl. This time, galing sa kapitbahay naming Chinese. Syempre, in-open na naman agad (Di naman atat magbukas ng gifts no??? hahahaha!!!)



December 24 - We celebrated Christmas Eve at Mama Nori's home. Pero before kami pumunta don, nagpose muna si Caitlin with her cousins Theo and Valeine.



December 25 - We visited Mommy Obeth at Las Pinas.



December 26 - Binilhan namin ng shades si little girl sa SM then went grocery shopping at Hi-Top.



December 27 - First death anniversary ni Daddy Rolly (FIL). We went to Las Pinas para sa padasal and konting salo-salo. Si little girl naman, nagmukhang munting dalaga sa suot nya. Hihihi...



December 29 - Caitlin is 7 months old! Ang bilis talaga ng panahon. In a few months, 1 year old na sya.



December 31 - New Year's Eve... We celebrated at home. Ito lang ang taon na wala kaming firecrackers and fireworks. Hindi rin kami lumabas ng bahay para manood. Lahat ito, dahil kay little girl. Ayaw namin i-risk na mag-develop ang asthma nya. May lahi kasi sa side ng Dad ko so may possibility na magkaron sya. Kawawa naman si little girl kung magkaron sya ng asthma. Masaya pa rin naman ang naging celebration namin :)

0 comments:

Lilypie 4th Birthday PicLilypie 4th Birthday Ticker

Lilypie 2nd Birthday PicLilypie 2nd Birthday Ticker