DaisypathAnniversary Years Ticker
Custom Search

Posted by ceztlavie at 4:37 PM

Friday, January 06, 2006

Nag-leave ako today dahil may sakit na naman si Caitlin - sinisipon. Dinala ko sya sa pedia. Dapat din kasi, 1st IPV shot nya tomorrow. Eh since may sakit ang baby, na-postpone. Binigyan lang sya ng antibiotic and pinapabalik sya for check-up on Monday. Pag clear na daw si Caitlin, bibigyan sya ng IPV shot then.

After our visit to the pedia, tumuloy kami sa Cubao. Di pa rin kami paaawat sa lakwatsa kahit may sakit pa ang baby... hehehehe... Anyway, ang purpose ng pagpunta namin sa Cubao ay bilhan ng walker si Caitlin. Lately kasi, nakakaya na nyang tumayo.

So we went to SM... sa Baby section. Para makapili kami, inuupo namin si Caitlin sa mga walker. Every time na iupo namin sya, umiiyak. So try na naman kami ng iba... Hanggang sa merong isang walker na pagkaupo nya eh tawa na sya ng tawa at naglalaro na. Yehey! Nakapili na si little girl ng walker nya!!!

Kaso... color blue ang walker! Mukhang para sa boy! Nyahaha!!!

Di bale, binili na rin namin.

Pagdating sa bahay, nilagay na namin agad si Caitlin sa walker nya. Tuwang-tuwa ang bulilit! At nagpipilit nang lumakad... yun nga lang, paatras lagi... hahaha!!!

Ang mas natuwa sa pagbili namin ng walker ay sina Papa Maning and Mama Sit... mapapahinga na daw kasi sila kahit sandali sa pagkarga kay little girl :) Sila kasi ang nag-aalaga kay Caitlin habang nasa office kami.

ps - to follow na lang ang pics ng walker :-p

0 comments:

Lilypie 4th Birthday PicLilypie 4th Birthday Ticker

Lilypie 2nd Birthday PicLilypie 2nd Birthday Ticker